Linggo, Agosto 7, 2011

Nang ika'y Lumayo

Ang pighati na aking naranasan
Sakit ang kanyang iniwan
Na palaging inaalala ng aking isipan
Na pilit kong kinalimutan

Sa tuwing maaalala mga sandali
Ako'y natatawa sa aking sarili
Kahit na sakit ang dala
Palagi paring inaalala

Ang iyong mga pagsinta
Lahat ng yon ay nawala
Pag-ibig mo'y naglaho ng parang bola
At pilit kong binabaliwala

Kahit na ako'y sinaktan ng husto
Humihiling na magbalik sa piling ko
Inaasahang maisip mo
Na ako'y talagang para sayo

Mga mata ko'y ipinipikit
Upang di madama ang sakit
Sa tuwing kasama mo siya
Wala akong magagawa

Nanatili sa'king isipan
Ika'y dapat kong kalimutan
Pero sinasabi ng puso
Ako'y nasaktan ngunit inaamin ko
minamahal parin kita
sa kabila ng sakit na dinarama

Talagang ako'y nababaliw
Inaalala ang pagsinta mo giliw
Na kailanman ay di mo nagawa
ng tayo'y magkasama

Masasabi ko lang ngayon
Kahit sa kunting panahon
Ako'y iyong napaligaya
Sa piling mo twina.